BACOLOD CITY – Kinilala ang Bacolod City bilang Most Livable City sa buong Pilipinas ayon sa Manila Times.
Si Bacolod City Mayor Evelio Leonardia mismo ang tumanggap ng trophy matapus kinilala ang Bacolod City na Number 1 Most Livable Urban Center sa Top 10 Model Cities sa buong Pilipinas.
Napili ang Bacolod City sa 145 na syudad sa Pilipinas bilang most livable urban center kung saan tinalo nito ang ibang lungsod kagaya ng Davao, Quezon City, Tagaytay, Paranaque, Sta Rosa, Batangas, General Santos, Laoag, Naga, Mandaluyong, San Fernando at Zamboanga City.
Kasama sa mga criteria ay ang peace and security, rest and recreation, research and development, health and education, clean and green, road and home, livelihood and employment, youth and elders, tax and services gayundin ang emergenc o disaster preparedness.