Bacolod Traffic Authority Office, nakakolekta ng 1.5 million pesos na pondo mula sa mga pasaway na driver

Bacolod, Philippines – Umabot sa mahigit 1.5 million pesos ang nakolektang pondo ng Bacolod Traffic Authority Office o BTAO simula ng binigyan ng otoridad ang mga traffic enforcers sa Bacolod na makapanghuli at maka-issue ng citation tickets.

Ipinaliwanag ni Bacolod City Councilor Dindo Ramos na noong wala pang naipasa na city ordinance, hindi maka-confiscate ng driver’s license ang mga personnel ng BTAO dahil wala silang temporary operator’s permit mula sa Land Transportation Office o LTO.

Ayon sa konsehal malaki ang naitulong ng ordinance dahil nakapagbigay ito ng karagdagang pondo sa city government ng Bacolod.


Kaugnay nito, iminumungkahi sa ngayon ni Councilor Ramos na gumawa ng trust fund para sa koleksyon ng mga traffic violations, 80 percent ay mapupunta sa traffic development at 20 percent para sa social projects ng mga drivers sa lungsod.
Nation

Facebook Comments