Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang RPA-ABB members sa Kabankalan City

49

Bacolod, Philippines – Away sa lupa at personal na galit ang dalawang tinitingnang motibo sa ngayon ng Kabankalan PNP sa pagpatay kay Larry Canelon, 52 anyos, taga-barangay 1 Kabankalan City.

Patay on-the spot ang biktima matapos ratratin ng anim katao na sinasabing myembro ng RPA-ABB sa So Abtao, Barangay Tapi, Kabankalan.

Dalawa sa anim na mga suspeks ang kinilala na ng mga otoridad.

Kasama sa narekober ng mga otoridad ang kg-9 pistol, magazines, at mga bala.

Facebook Comments