Bacteriang Campylobacter sa mga manok, hindi dapat ikabahala ayon sa DOH

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Health sa publiko na hindi dapat ikabahala ang lumabas na pag-aaral na walo sa sampung manok na nabibili sa mga merkado sa Metro Manila ay kontaminado ng bacteriang Campylobacter.

Aniya, natural lamang ito dahil sa mismong bituka ng manok nagmumula ang nasabing bacteria.

Wala aniyang pisikal na diskripsyon o paraan para matukoy kung mayroong Campylobacter ang isang manok kaya naman ang payo ng DOH sa publiko lutuing mabuti ang karne bago kainin.


“Pagniluto niyo ng maigi yung manok ay hindi na kayo magkakaroon ng panganib para magkasakit dulot ng Campylobacter. Pangkaraniwan na ‘yung manok ka nako- contaminate ng Campylobacter, kasi nasa bituka mismo ‘yan ng manok.” Healh Assistant Secretary Eric Tayag.

Una nang sinabi ng DOH, na hindi nakamamatay ang pagkain ng karne na mayroong Campylobacter, kung saan karaniwang diarrhea lamang ang nakukuha ng mga nakakakain nito.

Sa kasalukuyan ayon kay Tayag, minomonitor nila ang mga pasyenteng dinadala sa mga ospital dahil sa Diarrhea, dahil hindi lang naman aniya Campylobacter ang maaaring maging sanhi nito.

Facebook Comments