Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga botante na huwag ng iboto ang mga opisyal ng barangay na nagpapabaya sa kanilang trabaho.
Sa interview ng RMN-Manila kay DILG for Barangay Affairs Undersecretary Martin Diño, sa susunod na linggo kakasuhan na nila sa Ombudsman ang mahigit 70 barangay official na bigong ipatupad ng tama ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).
Ayon kay Diño, hindi sila natatakot na magsampa ng kaso kahit panahon ng eleksyon.
Babala niya, ayusin ng mga ito ang kanilang trabaho at sugpuin ang problema ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan.
Sa ngayon, siyam na libong barangay official pa lamang ang nagsumite sa kanila ng drug watch list mula sa higit 42,000 barangay sa bansa.