PAPARANGALAN | 42 sa SAF 44, pormal nang mabibigyan ng Medalya ng Kagitingan

82

Manila, Philippines – Iginawad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang medalya ng kagitingan o Medal of Valor sa mga miyembro ng Philippine National Police Special Action Force na nasawi sa Mamasapano sa Maguindanao.

Sa pangunguna ng nasawing si Police Chief Inspector Rayan Pabalinas ay gagawaran ang 41 miyembro ng SAF 44 na hindi pa nabibigyan ng nasabing medalya.

Matatandaan na noong nakaraang Pebrero ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paggawad ng Medalya ng Kagitingan o Medal of Valor sa SAF 44.

Matatandaang si Pabalinas ay miyembro ng PNPA class of 2006 at ito ang nanguna sa Oplan Exodus para madakip ang teroristang si Zulkifli Binhir alyas Marwan.

Matatandaan na noong 2016 ay dalawa lang sa SAF 44 ang nabigyan ni Dating Pangulong Noy-Noy Aquino ng Medal of Valor at ito ay sina Sr. Inspector Tabdi at PO2 Romeo Cempron.

Facebook Comments