Badjao community sa Cebu City, tutulong sa pagmo-monitor sa mga coastal areas sa lungsod

Manila, Philippines – Pinatutulong na ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Cebu ang Badjao Community sa para sa monitoring nito sa mga coastal areas upang mapigilang makapasok ang anumang grupo na may masamang balak kagaya ng Abu Sayyaf Group sa Bohol .

Nakipagpulong si Cebu City Councilor Dave Tumulak, pinuno ng Committee on Public Safety and Order sa Cebu City Council para i-recruit ang mga Badjao na residente ng lungsod at tumulong sa paghihigpit ng seguridad sa coastal areas ng lungsod.

Irerehistro at mamarkahan ng “Cebu City” ang mga bangka ng Badjao community para madali itong makilala na itoy mula sa lungsod.


Hiniling ni tumulak ang komunidad na maging aktibo sa kampanya laban sa terorismo matapos makapasok ang Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Bohol.
DZXL558

Facebook Comments