P4.8 million project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakumpleto na sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte

Zamboanga Del Norte, Philippines – Nakumpleto na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang konstruksyon ng P4.8 million fish landing at flea market projects sa bayan ng Sibuco lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ayon kay Sibuco Mayor Norbedeiri Edding, ang nasabing dalawang proyekto itinayo sa isang istratehikong lugar sa may poblacion Sibuco kung saan ang mga mangingisda at mga magsasaka ay makabebenta ng kanilang mga huling isda at mga produkto mula sa mga sakahan.

Aniya, ang completion ng nasabing proyekto ang siyang magpapalago sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa lugar.


Dagdag pa nito, ang mga magsasaka aniya ng Sibuco ang nagsu-suplay ng mga agricultural products sa ilang mga areas sa rehiyon 9.
DZXL558

Facebook Comments