Baggao Quick Response Team Member, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela-Isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng Baggao Quick Response Team ng San Jose at San Isidro kasama na ang DRRM Office matapos magpositibo ang dalawang (2) QRT members at isang (1) nurse habang nakaduty sa quarantine facility nitong Oktubre 13 hanggang 19, 2020.

Ang tatlo ay naidagdag sa isa sa aktibong kaso na si patient CV 2445.

Ayon sa ulat ng LGU Baggao, kasalukuyang nasa 51 ang naitalang may direct contacts ng mga positibong kaso ng virus sa naturang bayan.


Umakyat naman sa apat (4) ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Patuloy naman ang paghimok ng mga kinauukulan sa publiko na ugaliing sundin ang ipinapatupad na polisiya para makaiwas sa posibleng pagkahawa ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments