Bagitong pulis na tinapunan ng taho ng Chinese National, hindi magpapa-areglo

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong Disobedience to Agent of person in Authority at Direct Assualt sa Mandaluyong Prosecutors Office ang isang Chinese National matapos na sabuyan ng taho ang isang bagitong pulis sa MRT Station Boni Station sa Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Jiale Zhang Chinese National, 23 anyos residente ng 30P Axis Residences Pioneer St. Mandaluyong City.

Habang ang bagitong pulis naman ay nakilalang si PO1 William Cristobal, 39 nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion.


Ayon kay Mandaluyong Chief of Police P/Sr. Supt Moises Villaceran Jr., inaresto ni PO1 Cristobal ang Chinese National dahil sa kasong disobendience to agent of person in authority at direct assault sa MRT Boni Ave., matapos isumbong ng guardiya na si Zhang ay nagpupumilit pumasok sa MRT Boni Station bitbit ang “Taho” na nakalagay sa plastic cup.

Pinaliwanagan ng guardiya ang Chinese National na mayroon silang bagong direktibang memo na bawal ipasok ang anumang uri na liquid at kahalintulad na items pero tumanggi at nagalit si Zhang kaya’t namagitan na si P01 Cristobal at ipinaliwanag ang bagong patakaran na ikinagalit ng suspek at itinapon sa damit ni PO1 Cristobal ang bitbit nitong taho na naging dahilan kung bakit inaresto ang suspek at dinala sa Mandaluyong City Police Station para sampahan ng kaukulang kaso.

Paliwanag ni PO1 Cristobal, hindi siya magpapaareglo sa Chinese National at tinuluyan nitong sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments