Bagitong pulis, patay dahil sa accidental firing sa Alfonso, Cavite

513

Patay ang isang bagitong pulis dahil sa isa na naman umanong kaso ng accidental firing.

Batay sa report ng Alfonso, Cavite Municipal Police Station ang biktima ay kinilalang si PCpl. Steve Eduard Rollon na nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station.

Alas-8 kaninang umaga nang nakatanggap ng tawag ang Alfonso Philippine National Police (PNP) sa isang kaso ng accidental firing sa Brgy Upli, Alfonso, Cavite.


Sa imbestigasyon, nililinis umano ni Cpl. Rollon amg kaniyang service firearm na isang Stoeger Cougar cal 9mm., nang bigla itong pumutok.

Tinamaan ito sa dibdib kaya’t agad na itinakbo sa Poblete Hospital pero ideneklarang dead on arrival ng mga doktor dahil tumagos sa kaniyang puso ang bala.

Facebook Comments