Bagnos Maximo Jr. ng District 3, Cauayan City, Muling Nahalal Bilang Brgy. Chairman!

34

Cauayan City, Isabela- Muling nanalo sa pagka-Kapitan si Brgy. Captain Bagnos Maximo Jr. ng Barangay District 3, Cauayan City sa katatapos lamang na Barangay at SK Eleksyon nitong May 14, 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Brgy. Captain Maximo Jr., aniya, masaya at may halong kaba ang kanyang muling pagkapanalo bilang kapitan.

Ayon pa kay kapitan Maximo Jr., Naatasan na umano niya ang kanyang mga barangay Tanod upang magbaklas sa mga nakakabit pang Tarpaulin na ginamit ng mga kandidato noong nakaraang halalan.

Nagpapasalamat naman ang kapitan sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at asahan umanong ipagpatuloy nito ang kanyang mga proyektong nasimulan sa kanyang barangay.

Samantala, taon-taon din umano silang nakikibahagi sa mga programa ng Cauayan South Central School at Cauayan North Central School kaya’t pinaghahandaan na rin umano nila ang nalalapit nang Brigada Eskwela.

Facebook Comments