PARA BUWAGIN | Justice Sec. Guevarra, hindi natinag sa pagpapabuwag ng Kamara sa PCGG at OGCC

34

Manila, Philippines – Hindi natitinag si Justice Secretary Menardo Guevarra sa hakbang sa Kamara para sa pagpapabuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Ayon kay Guevarra, malayo pa ang lalakbayin ng nasabing panukala lalo na at wala pa itong counterpart bill sa Senado.

Sinabi pa ni Guevarra na bagamat inirerespeto nila ang hakbang ng Kamara, mas nais niya aniyang manatili sa ilalim ng pangangasiwa ng Dept. of Justice ang PCGG at OGCC.

Inamin din ni Guevarra na hindi pa niya natatalakay sa Pangulong Duterte ang nasabing bill kung saan maaari itong pigilan ng presidente sa pamamagitan ng pag-veto.

Ang naturang panukalang batas ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Facebook Comments