BAGONG 2-STOREY, 4-CLASSROOM BUILDING, PORMAL NA PINASINAYAAN SA LAOAC; MGA MAG-AARAL SA DALAWANG BARANGAY, MAKIKINABANG

May karagdagang apat na silid-aralan na ang Quevedo-Anisca Elementary School sa Barangay Anis, Laoac, Pangasinan kasunod ng pagpapasinaya sa bagong dalawang palapag na gusali nito noong Nobyembre 10, 2026.

Inaasahang makatutulong ang bagong pasilidad sa mga elementary students ng Barangay Anis at kalapit na Barangay Caaringayan.

Batay sa ulat ng DepEd Pangasinan II, naita ang konstruksyon ng gusali sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, lokal na pamahalaan ng Laoac, at Schools Division Office (SDO) II ng Pangasinan.

Bukod dito, kasunod ng pagpapasinaya, ipinangako ni Governor Ramon V. Guico III ang karagdagang 100 mesa at upuan para sa mga mag-aaral ng paaralan.

Kabilang sa mga dumalo si SDO II Superintendent Dr. Vivian Luz S. Pagatpatan, kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Laoac PNP, mga opisyal ng Barangay Anis at Caaringayan, at School Parents-Teachers Association (PTA). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments