Nakatanggap na ng mga bagong Apple MacBook Neo laptop ang ilan pang pampublikong paaralan sa Pangasinan matapos itong i-release ng Department of Education (DepEd).
Kabilang dito ang Eastern Pangasinan Agricultural College (EPAC) sa Santa Maria, na nakatanggap ng 22 units noong Nobyembre 11.
12 units naman ang ibinigay sa Telbang National High School (TNHS) sa Barangay Telbang, Alaminos City noong Nobyembre 12, 2026.
Alinsunod ito sa nationwide procurement ng DepEd na may kabuuang 172,654 units ng Apple MacBook Neo na nakalaan para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Nakatakdang isagawa ang distribusyon mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027.
Matatandaang namahagi rin ang DepEd ng 209 MacBook Neo units sa 10 pampublikong paaralan sa Dagupan City noong Nobyembre 9.
Inaasahang magagamit ang mga laptop sa mga aralin, pagtuturo, at iba pang gawaing pampaaralan ng mga education personnel. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








