Bagong Anti-Distracted Driving Act, ipapatupad sa unang linggo ng Hulyo

Manila, Philippines – Ipapatupad na sa unang linggo ng Hulyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang bagong Anti-Distracted Driving Act.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, maaari nang maglagay ng mga gadget sa dashboard ng mga sasakyan basta’t hindi ito makasisira sa atensyon ng mga tsuper.

Hindi naman aniya sakop ng ADDA ang dash cam at wala aniyang batas na nagre-regulate sa paggamit nito pero hinihikayat pa rin ang mga motorista na ilagay ito sa ligtas na lugar.


Sinabi naman ni Depratment of Transporation Asec. Leah Quiambao, na hindi dapat lalagpas sa “safe zone” o apat na pulgada mula sa dashboard na pagkakabitan ng mga navigational device at iba pang gadget.

Saklaw rin ng nasabing batas ang mga sasakyang hindi na kailangan ng lisensya tulad ng mga bisekleta, e-bike at kalesa basta’t mahuhuling gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Ang sinumang lalabag sa ADDA ay pagmumultahin ng limang libong piso hanggang labing limang libong piso at posibleng pagsuspendi ng lisensya.
DZXL558

Facebook Comments