Bagong anti-hazing law, pag-uusapan ng Senado bukas kasabay ng pagdinig sa kaso ng pagkamatay ni Castillo

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdinig sa kaso ng pagkamatay ni Horatio Castillo III, tatalakayin din bukas ng Senado ang bagong anti-hazing law.

Simple at direkta ang balak na ipalit ng Senado sa kasalukuyang batas laban sa hazing.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, nasa kasalukuyang batas kasi na tila pinapayagan ang hazing pero ire-regulate lang ito.


Bukod dito, tanging pisikal na pananakit lamang ang may katumbas na parusa at hindi kabilang ang psychological na epekto nito gaya ng tunay na kahulugan ng hazing.

Facebook Comments