Bagong approach ng pamahalaan sa COVID-19 response, i-aanunsyo ni Pangulong Duterte ngayong araw

282

Nakatakdang ihatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mensahe sa publiko ngayong umaga.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, i-eere ang public address ng Pangulo mamayang alas-9:00 ng umaga.

Pinulong ng Pangulo kahapon ang economic cluster ng kanyang gabinete para pag-usapan ang panukalang 2021 National Budget.

Bago ito, sinabi ni Roque na magkakaroon ng pagbabago sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inirekomendang panatilihin ang General Community Quarantine sa August 1.

Facebook Comments