Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philippines kung totoo ang impormasyong may bagong grupo sa mindanao na nagpakilalang sila ay mga armadong Maranao evacuees mula Marawi City.
Ayon kay AFP Public affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo nagpapatuloy ang validation ng AFP para matukoy kung totoong may ganitong grupo, at sino ang pinuno nito .
Kasama rin sa inaalam ng AFP kung may ugnayan ang grupo sa Maute terrorist group, Abu Sayyaf Group at iba pang teroristang grupo.
Kung totoo man na may ganitong grupo umaasa ang AFP na hindi ito makakaapekto sa nalalapit ng pagsasagawa ng rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi City.
Kumalat sa internet ang video ng grupong Maranao Victims Movement at sinasabi nilang ang pag usbong nila ay para ipagplaban ang karapatan ng Bangsa Maranao na napapabayaan na dahil sa umiiral na bakbakan.