Walk for Peace isinagawa ng mga Bangsamoro, agarang pagpasa sa BBL ipinanawagan

Isinagawa ang Walk for Peace sa Camp Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao kahapon. Mahigit sa dalawang libo katao ang lumahok na kinabibilangan ng mga bata, matanda ,mapambabae man o mapanlalaki na nagmula pa sa ibat ibang panig ng Central Mindanao at Armm.
Nanawagan ang mga ito kay Pangulong Duterte na agad ipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL na matagal ng ipinaglalaban at inaasam ng mga Bangsamoro.
Sa kabila ng mainit na panahon ay hindi ito inalintana ng mga partisipante , tuloy ang programa habang nagkakaisa nilang ipinanawagan sa Pangulong Duterte at mga mambabatas ang agarang pagpasa sa BBL.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments