BAGONG BABY | Ika-7 baby ni Joel Cruz – ipinakilala na

Manila, Philippines – Ipinakilala na ni “Lord of Scents” Joel Cruz ang kanyang ika-pitong anak.

Sa pamamagitan ng Instagram account, ibinahagi ni Cruz ang larawan ni baby Zeid na isa sa dapat sana ay ikaapat niyang kambal.

June 23 nang isinilang si baby Zeid sa St. Petersburg, Russia na resulta ng vitro fertilization at surrogacy.


Una nang sinabi ni Cruz balak pa niyang magkaroon pa ng isang kambal.

Facebook Comments