TALLEST 6TH GRADER | 11-anyos na lalaki sa China, target maging pinakamatangkad na 6th-grade schooler sa buong mundo

China – Target ngayong makuha ng isang elementary student mula Leshan sa Sichuan Province, China ang titulo bilang World’s Tallest 6th-grader.

Sa edad kasi ni Ren Keyu na 11-years old, may taas na kaagad siya na 2.06 meters!

Dahil sa sobrang tangkad, halos yumuko na siya sa pintuan ng kanilang bahay at eskwelahan.


Pina-check up na raw siya ng kanyang lola sa pag-aakalang mayroon siyang “Gigantism” – isang kondisyon kung saan hindi normal ang pagtaas ng isang tao.

Pero ayon sa mga doktor, normal naman ang kanyang growth hormone level at pituitary gland.

Facebook Comments