BAGONG BAGYO | Tropical storm Kong-rey. inaasahang papasok ng PAR sa Martes

Manila, Philippines – Lumabas na ng Philippine Ares of Responsibility ang bagyong Paeng.

Pero isang bagyo ang nagbabantang pumasok, ito ay ang tropical storm na may international name na ‘Kong-rey’ na huling namataan 1,815 kilometers silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 KPH.


Wala pa itong epekto sa bansa at inaasahang papasok ito sa Martes, October 2.

Maaliwalas na panahon ang asahan sa buong bansa maliban sa mga isolated thunderstorms.

Facebook Comments