DAGDAG SINGIL | Malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad sa October 2

Manila, Philippines – Magkakaroon ng malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad sa Martes, Oktubre a-2.

Aabot sa ₱1.30 hanggang ₱1.40 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.

Posibleng magmahal ng ₱0.90 hanggang ₱1.10 sa kada litro ng gasolina at kerosene.


Magtataas din ng dalawang piso hanggang ₱2.50 kada kilo ng LPG, katumbas nito ang ₱22 hanggang ₱27.50 kada kilo na tangke.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong oil price increase kung saan papalo na sa 4 pesos kada litro ang magiging pagtataas.

Facebook Comments