Opisyal nang binuksan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Balay Silangan reformation facility sa Barangay Tarrag, Pagudpud, Ilocos Norte.
Layunin ng pasilidad na tulungan ang mga dating sangkot sa ilegal na droga na makapagsimula muli sa buhay sa pamamagitan ng psychosocial support at mga pagsasanay sa kabuhayan.
Sa ganitong paraan, nabibigyan sila ng pagkakataong makabalik sa lipunan bilang mga produktibong mamamayan.
Ang pagtatayo ng Balay Silangan sa Pagudpud ay bahagi ng pagtutok ng lokal na pamahalaan sa rehabilitasyon tungo sa pagkamit ng drug-free status ng bayan.
Facebook Comments









