BAGONG BARANGAY HALL SA CAUAYAN, MALAPIT NG MATAPOS

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng mga barangay officials ang kanilang nalalapit na paglipat sa kanilang bagong barangay hall sa Barangay Union sa siyudad ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Melvin Antonio, taong 2023 pa ng simulan ang konstruksyon nito kung saan aasahang matatapos ito ngayong taon.

Aniya, natagalang natapos ang proyekto dahil may mga pagkakataon na naaantala ang konstruksyon nito dahil kakulangan sa badyet kung saan nagmula ang ibang badyet kay Congressman Faustino “Inno” Dy at sa dalawampung porsyento sa kanilang IRA.


Ang dating barangay hall naman ay ibibigay sa mga mag-aaral na day care bilang kanilang silid-aralan.

Samantala, bukod sa nasabing proyekto ay sisimulan na rin ang proyektong water pump system sa lugar.

Facebook Comments