PAGSASAAYOS NG KALSADA SA BRGY. VILLA LUNA, NAGPAPATULOY

Cauayan City – Isa sa prayoridad ng Brgy. Villa Luna ay ang pagsasaayos ng mga kalsada sa kanilang nasasakupan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Chairman Hon. Oscar De Luna, marami pang mga bahagi ng kalsada sa kanilang lugar ang hindi pa sementado, habang ang ilan ay wala na rin sa maayos na kalagayan.

Kaya naman, upang magawan ng agarang aksyon ay humingi sila ng tulong sa Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan maging sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.


Dahil dito, ilan sa mga bahagi ng kalsada sa kanilang lugar partikular na sa Purok 9 ang nasemento kaya’t maayos ng nakakadaan ang anumang uri ng sasakyan.

Habang naghihintay ng karagdagang pondo para sa Road Concreting Project sa kanilang barangay, pansamantala ay nagkaroon muna ng Road Graveling para sa mga hindi sementado at lubak-lubak na daan.

Facebook Comments