Bagong Batallion Commander ng 30IB Phil Army sa Surigao Del Norte itinalaga

180

Bagong Batallion Commander ng 30IB Phil Army sa Surigao Del Norte itinalaga. May bago ng Batallion Commander ng 30IB Phil Army sa Surigao Del Norte, ito’y matapos isagawa ang Turn Over Ceremonies. Ang outgoing Batallion Commander na si Lt. Col. Rico Amaro ay matatalaga bilang pinuno ng Civil Military Office sa Butuan City samantalang ang pumalit na si Lt. Col. Allen Tomas mula naman sa Southern Luzon Command. Naging espesyal na bisita sa okasyon si Brig. Gen. Cristobal Zagaroza ng 4ID Phil Army. Sa pamamaalam ni Lt. Col Amaro ipinaabot nito ang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya sa Isang taon at 3 buwan na pamamalagi sa Surigao at ipinagmalaki ang iilang accomplishment laban sa insurgency kasama ang pagpapalakas ng magandang relasyon sa komunidad at stakeholders. Sa pag-upo naman ni Lt. Col. Tomas pinangako nitong ipagpapatuloy ang nasimulan ni Amaro.

Sent from my iPhone



Facebook Comments

From Advertisers