Bagong board para sa pagbibigay ng reparation o bayad-pinsala sa mga biktima ng Martial Law, inihain sa Kamara

Isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagbuo ng isang panibagong board para maipagpatuloy ang pagbibigay ng pagkilala at reparation o pagbabayad-pinsala sa mga biktima ng Martial Law.

Sa ilalim ng House Bill 7686 na inihain ng mga kongresista ng Makabayan, nakasaad na kinikilala ng estado ang mga international law para sa karapatang pantao, civil at political rights, at paglaban sa anumang uri ng pang-aabuso, at hindi makataong pagtrato at pagpaparusa.

Inihain ang panukala dahil sa ilalim ng RA 10368 na naisabatas noong 2013, aabot lamang sa 11,103 na claimants at biktima ng Martial Law ang kinilala ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) mula sa kabuuang 75,000 na applicants.


Pero, bago mag-expire ang board noong May 12, 2018, aabot lamang sa 6,737 appeals ang naaksyunan ng board.

Matapos na mapaso ang board ay mas lalong dumami ang mga biktima, mga kaanak at mga human rights group na nananawagan para sa bagong batas na magpapatuloy sa pagbibigay ng recognition at reparation sa mga natitirang biktima ng batas militar.

Facebook Comments