Bagong branch ng PRC sa Negros Occidental, pinasinayaan

16

Sa kabila ng mga hamong dulot ng COVID-19 pandemic, hindi papaawat ang Philippine Red Cross sa patuloy na paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

Patunay rito ang bagong Negros Occidental-Bacolod City Chapter ng PRC na pinasinayaan noong Huwebes, June 17 sa pangunguna ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon.


Layon ng pagbubukas ng bagong tanggapan ng PRC sa lalawigan na makapaghatid ng mas maraming serbisyo sa mga komunidad at munisipalidad lalo na ang mga madalas bahain at tamaan ng bagyo.

March 2021 nang simulant ang pagtatayo ng bagong PRC branch sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga branch interim council at pagha-hire ng mga staff.

Facebook Comments