PNP, nakikipag-ugnayan na sa kanilang foreign counterparts upang matukoy ang pagkakakilanlan ng Canadian national na idinadawit sa batangas drug haul

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang foreign counterparts at iba pang law enforcement agencies ang pagkakakilanlan ng Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6-B na halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas kamakailan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo ang Canadian national ang natukoy na nagrenta ng bahay sa Nasugbu, Batangas na umano’y tinuluyan ng naarestong suspek at iba pa nitong kasamahan.

Una nang tinungo ng mga awtoridad ang bahay para isilbi ang search warrant ngunit bigo silang maabutan ang dayuhan.


Sa ngayon, ani Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawang case build-up at pagtugis sa mga suspek na sangkot sa isa sa pinakamalaking drug operation sa kasaysayan na mahigit isang toneladang shabu.

Nasa kustodiya na rin nila ang isang yate na pinaniniwalang pinagkargahan ng mga iligal na droga.

Facebook Comments