Bagong BSP Govenor, nahaharap sa malaking hamon

Inaasahan ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang malalaking hamon na kakaharapin ni Monetary Board member Eli Remolona bilang susunod na Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor.

Ayon kay Salceda, masusubok ang policy direction ni Remolona sa sandaling magsimula sya sa tungkulin sa July 2.

Ayon kay Salceda, kasama rin sa hamon ang pagbibigay proteksyon sa ating salapi at sa bansa mula sa external shocks na sanhi ng mga ganap sa pandaigdigang merkado.


Malaki naman ang tiwala ni Salceda sa malawak na karanasan ni Remolona sa modern central banking lalo na at dati itong nagtrabaho sa Bank of International Settlements at Federal Reserve Bank ng New York.

Sa pamumuno ni Remolona sa BSP ay inaasahan ni Salceda ang development sa central banking gaya ng digital central bank currencies at de-dollarization.

Samantala, pinasalamatan naman ni Salceda si BSP Governor Felipe Medalla na magtatapos ang termino pagpasok ng Hulyo.

Pinuri ni Salceda ang “outstanding performance” ni Medalla sa BSP sa panahong mahirap ang sitwasyon at bagsak ang ekonomiya na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments