Kampo ni Teves, umaasang nasa mabuting kalagayan si Justice Sec. Remulla

Umaasa ang kampo ni Congressman Arnolfo Teves Jr., na nasa maayos sanang kalagayan si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Ito’y matapos maghain ng sampung araw na wellness leave ang kalihim dahil sa personal nitong dahilan.

Nabatid na ang naturang pahayag ay mula sa lead counsel ng mambabatas na si Atty. Ferdinand Topacio.


Ito’y kasabay ng pagdalo niya at ng iba pang abogado sa ikalawang preliminary investigation sa Degamo slay kung saan kabilang sa respondent si Teves.

Ayon kay Topacio, ang kanilang pagdalo ngayon sa ikalawang preliminary investigation ay patunay na hindi nila iniiwasang humarap sa imbestigasyon.

Aniya, sadya lang na late o naaantala ang naipapadalang subpoena sa kanilang opisina kung saan sa kabila ng mga ipinakitang dokumento ng NBI at DOJ ay hindi pa sila nakakakuha ng koypa nito.

Sa kabila nito, muling iginiit ni Topacio kay Sec. Remulla na trabaho lamang ang kanilang ginagawa at huwag sanang personalin kasabay ng kahilingan na maging maayos na sana ang kalusugan ng kalihim.

Facebook Comments