Nagcourtesy call ngayong hapon sa mga senador si bagong Bureau of Corrections Cheif Gerald Bantag.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kasama si Senator Bong Go ay sinabi ni bantag ang kanyang obserbasyon na nasa 95-percent ng mga tauhan ng bucor ang gumagawa ng iregularidad.
Walang timeline na ibinigay si Bantag sa kanyang gagawing paglilinis sa BuCor at umaapela din sya sa kooperatsyon ng iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Diin ni Bantag, wala syang natanggap na pasalubong o malaking halaga ng salapi mula sa mga high profile inmate ng New Bilibid Prison dahil binantaan niyang kakatayin ang magbibigay sa kanya ng suhol.
Pangako ni Bantag, gagawin niya ang lahat para linisin ang BuCor dahil sinabi daw ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go na ipapako sya sa krus kapag pumalpak.
Sabi ni Bantag, hahayaan niyang humaba ang kanyang balbas hangga’t hindi niya naaayos ang BuCor.
Nangako naman si Senator Go, na susuportahan anuman ang kailangang tulong at pasilidad para makatulong na maresobla ang problema at katiwalian sa bilibid at BuCor.