Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gerald Quitaleg Bantag bilang bagong Director-General ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo itinalaga si Bantag ni Pangulong Duterte dahil sa kanyang professional competence at honesty.
Tiwala aniya ang palasyo sa kakayahan ni bantag upang maresulba ang problema sa bilibid.
Hindi lamang sa isyu ng korapsyon, illegal na droga isyu sa kontrobersyal na GCTA at ibat-iba pang katiwalian sa bilibid.
Si Bantag ay nabatid na dating warden ng Parañaque City Jail kung saan may kinakaharap itong 10 counts ng murder.
Nuong 2016 kasi nasangkot si Bantag sa naganap na pagsabog sa Parañaque City Jail na ikinasawi ng 10 inmates kabilang na ang dalawang Chinese nationals.