Bagong building ventilation guidelines, ilalabas ng QC-LGU

Inihahanda ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ang isang bagong alituntunin o building ventilation guidelines matapos na makapagtala ng 24 positive cases at isang kaso ng pagkamatay ang Christ the King Mission Seminary.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, ang tagapamuno ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) mula sa 59 na indibidwal na nanunuluyan sa seminaryo, 25 ang nagpositibo at 34 ang nagnegatibo.

Kabilang sa mga nagpositibo ay siyam na pari at 16 na empleyado.


Ayon kay Cruz, inilagay na rin ang Villa Cristo Rey Seminary at Fininman Building sa Special Concern Lockdown simula noong Septyembre 18, 2021.

Sa ngayon ay nasa apat na ang bilang ng mga religious facilities na nasa ilalim ng lockdown.

Kabilang dito ang Stella Maris Convent, Religious of the Virgin Mary at Convent of the Holy Spirit.

Facebook Comments