BAGONG COACH | Scott Cooper – tatayo munang head coach ng Azkals

Si Irish Coach Scott Cooper muna ang tatayong head coach ng Philippine Azkals matapos ang biglaang pagbibitiw ni Terry Butcher.

Sa isang pahayag, sinabi ni Azkals Team Manager Dan Palami na ang bagong senior football adviser muna ng koponan ang hahawak sa kanilang training camp sa Bahrain sa Setyembre.

Kasabay nito, inamin ni Palami na nagulat sila sa pagbibitiw ni Butcher pero nauunawaan naman daw nila ito.


nito lang hunyo nang i-appoint si cooper para alalayan si butcher sa paghubog sa azklas na sasabak sa 2018 aff cup at 2019 asian cup.

Si Cooper ay naging coach din ng koponan ng Buriram United sa Thai Premier League, AFC Champions League, Thai FA Cup at Thai League Cup.

Facebook Comments