INAMIN | CJ Ramos – aminadong napariwara ang buhay nang mawalan ng career sa showbiz

Manila, Philippines – Aminado ang dating child star na si CJ Ramos o Cromwell John Ramos sa tunay na buhay – na natukso siya sa paggamit ng shabu.

Kaninang umaga nang iharap sa media ng NCRPO si CJ matapos na maaresto sa aktong pagbili ng shabu sa Quezon City kamakailan.

Kwento niya, maglalaba lang daw talaga siya non pero masakit ang kanyang katawan kaya siya bumili ng shabu bilang pampalakas.


Inamin din ni CJ na napariwara ang buhay niya mula nang mawalan siya ng career sa showbiz, 15 years na ang nakararaan.

Halos 10 taon daw siyang nalulong sa droga pero sinubukang magbagong buhay noong nakaraang taon.

Sa huli, nag-sorry ang dating child star sa kanyang ina at pinayuhan ang mga iba na tumigil na sa paggamit ng iligal na droga.

Si CJ ramos ay nakilala sa mga pelikulang “Tanging Yaman” noong 2000 at “ang TV movie: The Adarna Adventure” noong 1996.

Facebook Comments