BAGONG COACH | Sven Goran Eriksson, pormal nang pinakilala bilang coach ng Philippine Azkals

96

Tiniyak ng bagong talagang coach ng Philippine Azkals na tanging ang pinakamagagaling na manlalaro lamang ang lalaban para sa bansa sa darating na 2018 Suzuki Cup at sa 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates.

Ayon kay Sven Goran Eriksson, na dating England manager at champion coach ng Lazio sa Serie A ng Italia, hindi niya magagarantiya na maganda ang magiging resulta ng kampanya ng Azkals sa dalawang international tournament.

Pero nangako ito na best possible line-up ang isasabak niya sa unang laro pa lamang ng Azkals kontra Sinapore sa susunod na Linggo.

Ayon pa sa multi-titled Swede tactician, priority na muna ng koponan ang Suzuki Cup bago pa nila isipin ang Asian Cup sa Enero.

Facebook Comments