MAGNITUDE 5.9 | Japan – niyanig ng lindol

64

Japan – Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang isla ng hokkaido sa Japan.

Base sa US Geological Survey (USGS), naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 107 kms sa hilagang-silangan ng shibetsu.

May lalim itong walong kilometro kung saan mababa naman umano ng tyansa na magkaroon ng casualties o kaya’y mga pinsala bunsod ng lindol.

Nitong Setyembre lang nang yanigin din ng 6.6-magnitude na lindol ang isla,kung saan mahigit 40 katao ang nasawi.

Facebook Comments