Nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na regular appointment ang pagkakapili kay bagong COMELEC Commissioner Attorney Michael Braganza Peloton kaya dadaan ito sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.
Sa kasalukuyan, ang COMELEC ay binubuo nina COMELEC Chairman Sheriff Abas, at mga Commissioner na sina Maria Rowena Amelia Guanzon, Socorro Inting, Marlon Casquejo at Antonio Kho Jr.
Ito ay dahil wala pang napipiling kapalit sa binakanteng puwesto ni Commisisoner Al Pareño, para makumpleto na ang anim na hanay ng mga commissioner ng COMELEC.
Alinsunod kase sa Section 1 ng Article 9 ng Saligang Batas, ang COMELEC bilang isang constitutional commission ay binubuo ng isang chairman, at anim na commissioners.
Si Atty. Peloton ang siya namang nominated ng Pangulong Rodrigo Duterte para pumalit kay dating Comelec Commissioner Luie Tito Guia na nagtapos ng kaniyang termino noong February 2, 2020.