BAGONG COMPLAINT | Chief Justice Sereno, sinampahan ni Atty. Larry Gadon ng hiwalay na kaso sa DOJ dahil sa hindi pagdedeklara ng SALN

Manila, Philippines – Panibagong criminal complaint ang inihain sa Department of Justice ni Atty. Larry Gadon laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

May kaugnayan ito sa aniya’y kabiguan ni Sereno na makapaghain ng kanyang asset statements sa loob ng labing-pitong taon noong siya ay law professor sa University of the Philippines (UP).

Partikular na isinampa ni Gadon laban kay Sereno ang kasong paglabag sa Republic Act 6713 at Republic 3019.


Kasunod ng certifications na isinumite ng Office of the Ombudsman, UP, at ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ayon kay Gadon, si Sereno ay naging bahagi ng UP College of Law mula 1986 hanggang 2006.

Gayunman, ang inihain lamang aniya nitong Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ay sa taong 1998, 2002, at 2006.

Si Sereno is ay nahaharap ngayon sa impeachment complaint na inihain din ni Gadon sa Kamara.

Facebook Comments