BAWAL | Pulis at konsehal, arestado matapos mahuling naglalaro ng casino sa Cebu City

Cebu – Arestado ang isang police officer matapos na mahuli sa aktong naglalaro ng Casino sa Casino Filipino Cebu, Crown Regency Hotel, sa OsmeƱa Blvd, Brgy Sta Cruz, Cebu City.

Kinilala ang naarestong pulis na si PO2 Cyrelle Marie Bajao Bayate, 30 anyos, dalaga nakatira sa Sikatuna St Brgy Pari-an Cebu City.

Nakatalaga si Bayate sa Police Station 1, Cebu City Police Office sa Sikatuna St. Brgy. Pari-an, Cebu City.


Ayon kay Superintendent Reyman Tolentin, tagalagsalita ng Police Regional Office (PRO)-Central Visayas, nagsasagawa ng mas maigting na police operation laban sa iligal na aktibidad ang mga tauhan ng Cebu City Police Office nang maaresto ang kanilang kabaro.

Nakuha kay Bayate ang 38 Caliber Smith & Wesson Revolver o paltik.

Maliban sa pulis isa pang konsehal ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa paglalaro ng Casino.

Kinilala itong si Lemuel Wahing Pogoy, Municipal Councilor ng Cordova Cebu na naaktuhang nagka-casino sa Mactan Isla Hotel & Casino.

Ang pinaigtng na operasyon ng PNP ay kaugnay sa Memorandum Circular No. 6 kung saan bawal sa lahat ng Government Officials and Employees ang tumungo sa mga gambling casinos.

Facebook Comments