Bagong concession agreement sa Manila Water, handa nang lagdaan – DOJ

Inaasahang pipirmahan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon ang bagong water concession agreement sa Manila Water Company Inc.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magkakaroon sila ng meeting bukas (March 17) hinggil dito.

Aniya, mayroong ilang maliliit na detalye ang pinaplantsa na lamang.


Kapag nalagdaan ang kasunduan sa Manila Water, saka isusunod ang pag-uusap sa Maynilad.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong November 10, 2020 ang draft na ginawa ng Department of Justice (DOJ) para rebisahin ang concession agreement sa dalawang water companies.

Facebook Comments