Kilalanin ang mga nag-uwi ng parangal sa prestihiyosong 63rd Grammy Awards!

Pinarangalan ang mga international music artist at writers sa katatapos lamang na 63rd Grammy Awards sa Amerika.

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinalo ng dating One Direction star na si Harry Styles ang mga kilalang singer na sina Taylor Swift, Dua Lipa, Billie Eilish at Justin Bieber matapos niyang masungkit ang “Pop Solo Performance” para sa kanyang kantang “Watermelon Sugar”.

Habang itinanghal si Billie Eilish ng Grammy bilang “Record of the Year” sa ikalawang pagkakataon.


“Album of the Year” naman para sa kanyang “Folklore” ang naiuwi ni Taylor Swift kung saan ito na ang ikatlong beses na kanyang nasungkit ang nasabing pagkilala.

Itinanghal na “Best New Artist” ang rapper na si Megan Thee habang nasungkit ng R&B artist na si H.E.R ang “Song of the Year”, na isang pagkilala sa mga music writers.

Facebook Comments