Bagong confirmed case ng COVID-19 sa Mandaluyong, umabot ng 31

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Mandaluyong City.

Sa pinakabagong tala ng City Health Office ng lungsod kahapon, nadagdag ng 31 na mga COVID-19 positive ang kanilang listahan.

Mula sa 217 noong Miyerkules, umabot na ito sa kabuuang bilang na 248 kahapon.


24 na ang nasawi sa nasabing lungsod ng dahil sa virus.

Sa ngayon, meron ng 526 na mga indibidwal ang kasama sa listahan ng suspected cases at 29 ang gumaling mula sa sakit na dulot ng COVID-19

Facebook Comments