2 lalaki, arestado sa Las Piñas dahil sa ₱176-K na halaga ng shabu

Natiklo ng mga tauhan ng Las Piñas police sina Bernardino Garcia, alyas jango, 59-anyos, at Mark Edward Delacruz, 38-anyos, at nakumpiska sa kanila ang 176,000 pesos na halaga ng iligal na droga.

Ang dalawa ay naaresto sa pamamagitan ng buy-bust operations na ikinasa ng mga tauhan ng Las Piñas Station Drug Enforcement Unit.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Peter St., Perpetual Vill., Pulang Lupa 1, Las Piñas City kung saan residente ang dalawang suspek.


Nakumpiska mula kay Garcia ang 11 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱74,800.

Nakuha naman kay Dela Cruz ang malaking selyadong sachet na naglalaman ng mahigit 15-gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱102,000.

Facebook Comments