Mahigpit na binabantayan ng World Health Organization (WHO) ang bagong Omicron sub-variant ng COVID-19 na BA.2.75 o tinatawag na Centaurus.
Pinangangambahan kasi ng mga eksperto na mas nakahahawa ito
kumpara sa mga naunang Omicron sub-variant.
Ayon kay WHO chief scientist Dr. Soumya Swaminathan, kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri bago malaman ang transmissibility at severity ng naturang virus.
Lumabas din sa pag-aaral ng WHO na naglalaman ng ilang spike mutations na maaaring mas epektibo sa “immune escape” ang BA.2.75.
Nabatid na nakapagtala na ng kaso ng Centaurus sa 10 bansa sa mundo, kabilang ang Australia, Canada, Japan, New Zealand, Germany, United States, at United Kingdom.
Facebook Comments