Nagsagawa na ng inspection ang pamahalaan sa bagong tayong swabbing center ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Maynila na bubuksan bukas, May 6.
Ang Palacio De Manila tent na matatagpuan sa Roxas Boulevard ang ginawang swabbing center ay binisita kanina nina COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Health Secretary Francisco Duque III at Philippine Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia.
Ang naturang pasilidad ay mayroong 65 specimen collection booths.
Ang mga booth ay itinayo para tiyakin ang proteksyon ng mga health workers.
Dito rin posibleng ma-detect ang mga pasyenteng may virus at sa pamamagitan ng naturang facility ay agad maisasailalim sa isolation ang mga pasyente mula sa komunidad.