Bagong COVID-19 variant na ‘Delta plus’, naitala sa India

Nakapagtala ang India ng bagong variant ng COVID-19 na ‘Delta plus’ na mas nakakahawa kumpara sa Delta variant.

Ayon kay Federal Health Secretary Rajesh Bhushan, nakita ang Delta plus sa 16 na kaso sa Maharashtra.

Nakitaan naman ang variant ng mas malakas na transmission dahilan kaya hinimok ni Bhushan ang gobyerno ng India na pataasin pa ang lebel ng testing.


Matatandaang noong Abril hanggang sa sumunod na buwan, naranasan ng India ang ‘second wave’ ng COVID-19 na ikinasawi ng maraming residente.

Facebook Comments